Mga kilalang personalidad, konektado sa offshore accounts-ICIJ

By Jay Dones April 05, 2016 - 04:20 AM

 

AP photo

Inilabas na ng International Consortium of Investigative Journalism, (ICIJ) na isang nonprofit organization na nakabase sa Washington ang listahan ng mga personalidad na diumano’y nadadawit sa pagtatago ng malaking halaga ng pera at itinatago sa mga ‘offshore accounts’ .

Kabilang sa mga personalidad at lider na nakasama sa tinaguriang ‘shame list’ ang ilang mga kilalang opisyal ng iba’t-ibang bansa tulad nina Russian President Vladimir Putin, football star Lionel Messi at iba pa.

Nakasama rin sa listahan ng mga pangalan na may mga offshore accounts ang 29 na bilyonaryo na kabilang sa rich list ng ‘Forbes’ at maging ang martial arts star na si Jackie Chan.

Ang mga pangalan ay bahagi ng nasa 11.5 milyong detalyadong records at transactions sa offshore holdings ng mga ito.

Kinumpirma ni Ramon Fonseca, co-founder ng Mossack Fonseca Law Firm, na nakabase sa Panama na totoo ang mga nilalaman ng mga dokumentong inilabas ng ICIJ.

Ang mga internal documents aniya ay iligal na nakuha nang mapasok ng mga cyberhackers ang kanilang database.

Una nang ibinigay ng isang ‘anonymous source’ ang mga dokumento sa isang German newspaper mahigit isang taon na ang nakalilipas at tinrabaho ng mahigit sa 100 international media groups.

Gayunman, iginiit ni Fonseca na hindi nila direktang kliyente ang mga personalidad na nababanggit sa mga balita.

Ang mga korporasyong kanilang itinataguyod aniya ay binubuo lamang ng mga ‘intermediaries’.

Nangako naman si President Juan Carlos Varela ng Panama na tutulong sa anumang imbestigasyon ukol sa nadiskubreng anomalya.

Sa mga dokumentong inilathala ng ICIJ, makikita kung paano itinatago ng mga prominenteng tao ang kanilang mga kayamanan sa pamamagitan ng paggamit ng mga bangko, law firms at offshore shell companies.

Sa loob ng 40 taon, nasa mahigit 500 bangko ang nakatulong ng Mossack Fonseca na makapagtayo ng libu-libong offshore companies na ginagamit ng kanilang mga kliyente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.