DOH, may paalala sa selebrasyon ng Lunar New Year 2021

By Angellic Jordan February 11, 2021 - 07:56 PM

Nagbigay ng paalala ang Department of Health (DOH) sa publiko ukol sa gagawing selebrasyon sa Lunar New Year 2021.

Ayon sa kagawaran, panatilihin ang pagsunod sa preventive measures at health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kabilang dito ang paglimita sa face-to-face celebrations. Maaaring magdaos na lamang ng online reunions.

Kung lalabas, palagiang isuot ang face mask at face shield.

Maghugas o mag-sanitize ng kamay.

Umiwas sa matataong lugar at panatilihin ang isang metrong distansya sa ibang tao.

Tiyaking mayroong ventilation sa lugar kung saan magdaraos ng selebrasyon.

“Don’t let your family gatherings become superspreader events,” dagdag ng DOH.

TAGS: DOH advisory, Inquirer News, Lunar New Year 2021, Radyo Inquirer news, DOH advisory, Inquirer News, Lunar New Year 2021, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.