Power firm technician na pinagsuspetsahang espiya, pinalaya na ng NPA

By Jan Escosio February 11, 2021 - 06:28 PM

Makalipas ang dalawang araw na pagkakabihag, pinalaya na ng NPA ang  dinukot nilang solar power technician sa Don Carlos, Bukidnon, Miyerkules ng gabi.

Kapiling na ngayon ng kanyang mga kaanak si Kier Selibio, technician ng Cotabato Electric Cooperative (COTELCO).

Dinukot si Selibio habang nagsasagawa ng inspection sa kanilang solar power facility sa Barangay Kabalantiano sa Arakan, North Cotabato.

Pinagsuspetsahan ang biktima na espiya ng military.

Itinanggi naman ni Engr. Godofredo Homez, manager ng kooperatiba, na pinalaya ang kanilang tauhan matapos silang magbayad ng ransom.

Nakapiring ang mga mata at nakatali ang mga kamay ni Selibio nang iwan ng mga rebelde sa bulubunduking bahagi ng national highway sa Don Carlos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.