PNP magpapakalat ng operating teams kontra blackmarket ng COVID 19 vaccines
By Jan Escosio February 11, 2021 - 06:15 PM
Inanunsiyo ni PNP Chief Debold Sinas na magpapakalat siya ng operating units para bantayan ang ilegal na pagbebenta ng mga bakuna kontra coronavirus.
Aniya ang gagawin nilang hakbang ay may koordinasyon sa DOH, NTF-COVID-19 at FDA.
Sinabi ni Sinas na inatasan na niya ang Criminal Investigation and Detection Group, Intelligence Group, at ibang National Operational Support Units na bumuo ng operating teams para pigilan ang pagpasok sa bansa at pagbebenta ng mga COVID 19 vaccines na walang awtorisasyon mula sa kinauukulang ahensiya ng gobyerno.
Una nang iginiit ng mga ahensiya ng gobyerno na walang bakuna kontra COVID 19 ang maaring ipagbili sa bansa.
Samantala, ang PNP Vaccination Plan “Caduceus” ay nasa pre-implementation phase of operations na ngayon bilang suporta sa National COVID-19 Deployment and Vaccination Plan.
Paliwanag ni Sinas sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng threat assessment, contingency planning and simulation exercises sa pilot areas; gayundin ang pagbuo ng Medical Reserve Forces, inter-agency coordination, at operational planning ng Police Regional Offices.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.