Bakuna, ayuda dapat unahin ng Kamara kaysa sa prangkisa ng ABS-CBN

By Erwin Aguilon February 11, 2021 - 05:48 PM

Pinayuhan ni dating House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Jonathan Sy-Alvarado si House Speaker Lord Allan Velasco na pagkaisahin ang mga deputy speaker nito sa isyu ng ABS-CBN.

Ayon kay Alvarado, kailangan munang mapagkaisa ni Velasco ang kanyang mga deputy speaker sa kung ano ang dapat unahin ng Mababang Kapulungan ngayong nasa gitna ang bansa ng COVID-19 pandemic.

Iginiit din nito na dapat ay ang ayuda sa mga Pilipino ang unahin ng Kamara kaysa sa ibang mga bagay.

Sa tanong kung suportado nito ang pahayag ni Velasco na sa susunod na Kongreso na pag-usapan ang prangkisa ng ABS-CBN, sabi ni Alvarado dapat ay unahin muna ang ayuda at bakuna sa COVID-19.

Nagpahayag naman ng pakikidalamhati ang mambabatas sa mga emleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil sa kawalan nito ng prangkisa.

Kasabay nito, umaasa si Alvarado na isa sa mga unang makikinabang sa kanilang panukalang bigyan ng P10,000 ang bawat pamilyang Pilipino ay ang mga manggagawa ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

TAGS: 18th congress, ABS-CBN franchise, ABS-CBN franchise renewal, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Jonathan Sy-Alvarado, Speaker Lord Allan Velasco, 18th congress, ABS-CBN franchise, ABS-CBN franchise renewal, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Jonathan Sy-Alvarado, Speaker Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.