90 piraso ng giant clam shell nakumpiska ng PCG sa El Nido, Palawan

PCG photo

Nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 90 piraso ng giant clam shell sa El Nido, Palawan.

Nakuha ito ng PCG noong February 6, 2021.

Sinabi ng ahensya na nakatanggap sila ng report mula sa isang concerned citizen ukol dito.

Bunsod nito, agad nag-ikot ang Coast Guard Station El Nido sa bahagi ng Sitio Buluang sa Barangay Sibaltan.

Dito natagpuan ang mga giant clam shell na nakatago sa mga dahon at sanga ng puno.

Nakipag-ugnayan ang PCG sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para sa karagdagang pagsusuri at imbestigasyon sa insidente.

Sa ngayon, nasa kustodiya pa ng ahensya ang mga giant clam shell bago tuluyang i-turnover sa DENR at PCSD.

Base sa Republic Act 10654 o ang Philippine Fisheries Code of 1998, ilegal ang pagkuha ng giant clam o taklobo na itinuturing na isang ‘endangered species.’

Sinumang lumabag ay maaarining patawan ng multang P3 milyon at maaari ring makulong ng hanggang walong taon.

PCG photo
Read more...