Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (February 11), umabot na sa 543,282 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 31,478 o 5.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,734 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
87.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.9 porsyento ang asymptomatic; 0.62 porsyento ang moderate; 2.4 porsyento ang severe habang 2.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 68 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 11,469 o 2.11 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 423 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 500,335 o 92.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.