Kim Wong iniimbestigahan na rin ng FBI

By Den Macaranas April 04, 2016 - 08:49 PM

Kim-Wong-2-620x401
Inquirer file photo

Kinumpirma ng negosyanteng si Kim Wong na kinakausap na siya ng Federal Bureau of Investigation (FBI) tungkol sa $81 Million money laundering scam.

Gayunman, tumanggi si Wong na magbigay pa ng detalye kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon ng FBI sa nasabing kontrobersiya.

Nauna dito ay sinampahan si Wong ng paglabag sa Anti-Money Laundering Law makaraang sumabit ang kanyang pangalan sa pera ng Bangladesh Central Bank na na-hack sa Federal Reserve sa New York.

Bahagi ng nasabing pera ang pumasok sa bansa sa pamamagitan ng mga casino big-time rollers na kliyente ni Wong na isang junket operator.

Samantala itutuloy naman bukas ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanilang imbestigasyon sa nasabing “dirty money”.

Muli ay inaasahan ang pagharap bukas sa pagdinig ni dating RCBC Jupiter branch manager Maia Santos Deguito na tulad ni Wong ay sinampahan din ng kahalintulad na kaso ng Department of Justice.

TAGS: FBI, Kim Wong, money laundering deguito, Senate, FBI, Kim Wong, money laundering deguito, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.