COVID-19 vaccine storage facility sa Maynila, inalok ni Moreno sa ibang siyudad at ahensya ng gobyerno
Iniaalok ni Manila Mayor Isko Moreno ang COVID-19 vaccine storage facility ng lokal na pamahalaan sa mga kalapit na siyudad at iba pang sangay ng pamahalaan na walang mapag-iimbakan ng bakuna.
Pahayag ito ni Mayor Isko matapos pasinayaan ang storage facility sa Sta. Ana Hospital.
“We will welcome anybody, any agency, including our fellow local government units, ibig sabihin kahit saan sa Metro Manila pwede ito,” pahayag ni Mayor Isko.
“This is a pandemic, we wanted to approach this inclusively,” dagdag ng Mayor.
Sa ngayon, naghihintay na lamang aniya ang lokal na pamahalaan ng pagdating ng mga bakuna.
“Vaccine is the solution to the nation, kapag panatag ang tao kahit paano makakakilos tayo ng maayos,” pahayag ni Mayor Isko.
Nabatid na mayroong 12 refrigeration units ang Maynila.
Kabilang na rito ang limang HYC-390 refrigerators para sa AstraZeneca at Sinovac vials, dalawang 25°C biomedical freezers, dalawang -30°C biomedical freezers para sa Johnson&Johnson at Moderna vials, at tatlong -86°C ULT freezers para sa Pfizer vials.
“The storage facility will also be equipped with 11 CCTV cameras working 24/7 and six data loggers to ensure the security of the vaccines,” pahayag ni Mayor Isko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.