Ayon kay Campos, masyado ng mabigat ang epekto ng pandemya sa mga Pilipino mula sa pagkawala ng trabaho hanggang sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Dahil dito, umapela ang kongresista sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ipagpaliban muna ang implementasyon ng bagong ATM charging model.
Tinaya ng kongresista na tataas ang singil sa ATM transactions sa 63 porsyento simula sa Abril base sa inaprubahang resolusyon ng BSP.
Simula sa Abril 7, nasa P10 hanggang P18 na ang singil kada withdrawal transaction, habang ang balance inquiry naman ay P1.50 hanggang P2 na, kung ang terminal ay hindi sa iyong bangko.
Mananatili namang libre ang ATM transactions kung makina ng bangko mo ang gagamitin.