Pangunguna ni Roxas sa mga ayaw iboto ng mga Pinoy kinuwestyon ng Malacañang

Mar-Roxas
Inquirer file photo

Pumalag ang Malacañang sa resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) at Business World kung saan nanguna si Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas sa mga kandidato na ayaw ng publiko na manalo sa eleksyon.

Base kasi sa survey, lumabas na 27 percent ng mga repondents ang nagsabing ayaw nilang manalo si Roxas sa pagka-Pangulo habang 24 percent ang nakuha ni Vice President Jejomar Binay.

Nakakuha naman ng 17 percent si Davao City Mayor Rodrigo Duterte samantalang 10 percent ang nakuha ni Senador Miriam Defensor Santiago at 5 percent ang para kay ni Senador Grace Poe.

Base din sa survey ay pantay sa 34 percent ang nakuhang ratings nina Poe at Duterte habang parehong 17 percent ang nakuha nina Roxas at Binay at 1 percent para kay Santiago.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, dapat ay malaman kung anong methodology ang ginamit sa SWS Mobile survey na hindi consistent o hindi pumapareho sa sarili nitong inilalabas na monthly survey at iba pang survey firm tulad ng Pulse Asia.

Sa huli, sinabi ng Kalihim na mismong ang araw pa rin naman ng eleksyon ang siyang magiging deciding factor sa kung sino ang gusto ng sambayanan na maging lider ng bansa.

Read more...