US-ban petition kontra TikTok pag-aaralan muna ng administrasyong Biden
Hiniling ng administrasyong ni US President Joe Biden sa isang US federal court na pansamantalang ihinto muna ang pagdinig base sa petisyon na ipagbawal ang TikTok sa Amerika.
Katuwiran ng kampo ni Biden, kailangan pag-aralan muna kung talagang maikukunsiderang banta sa kanilang pambansang seguridad ang sikat na Chinese-owned video app.
Sa inihain petisyon, hindi na muna hihilingin ng bagong administrasyon ang pagbabawal sa TikTok, na unang hiniling ni dating US President Donald Trump.
Nakasaad sa bagong petisyon na ang US Department of Commerce ang susuri sa nilalaman ng petisyon ng nakalipas na administrasyon at kung ano ang mga ginamit na basehan.
Unang ikinatuwiran ng administrasyong Trump na banta sa seguridad ng Amerika ang TikTok dahil sa kaugnayan nito sa gobyerno ng China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.