Pagpapatupad ng price freeze sa karneng baboy at manok hindi sapat para maiwasan ang food inflation

By Erwin Aguilon February 11, 2021 - 09:21 AM

File Photo

Iginiit ng isang ekonomistang kongresista na hindi sapat ang pagpapatupad ng price ceiling sa karne ng baboy at manok para masolusyunan ang problema sa pagtaas  ng presyo ng pagkain sa mga pamilihan.

Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, kailangan ng magkakasamang  polisiya  upang matugunan ang problema sa food inflation.

Kabilang aniya rito ang cash assistance para sa mga magsasaka na naapektuhan  ng African swine fever at mga malalakas na bagyo.

Gayundin, dapat bumaba ang taripa sa mga imported na karne dahil masyadong mataas ang 30 hanggang 40 porsiyento na taripang ipinapataw sa kasalukuyan.

Ipinagagamit din ni Quimbo ang kita mula sa sinisingil na taripa para ma-develop ang local farming at livestock industry.

Bukod dito, kailangan aniyang paigtingin ang  mga ginagawang hakbang ng Philippine Competition Commission laban sa mga traders na bumabarat sa mga magsasaka at livestock producers at  pagpapatupad ng batas ng Bureau of Customs laban sa mga smugglers.

Epektibo noong Lunes ang price freeze na ipinapatupad ng pamahalaan sa karneng baboy at manok sa Metro Manila na tatagal sa loob ng 60-araw.

 

TAGS: karneng baboy at manok, Marikina Rep. Stella Quimbo, price freeze, karneng baboy at manok, Marikina Rep. Stella Quimbo, price freeze

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.