Pagsisikap ng telco industry upang mapagbuti ang network service, kinilala ng pamahalaan

February 10, 2021 - 10:36 PM

Kinilala ng pamahalaan ang ginagawang pagsisikap ng Globe network at ng telco industry para mas mapagbuti ang serbisyo sa publiko.

Nagdaos ng special special briefing na dinaluhan ng mga opisyal ng NTC, Globe at ni Presidential spokesperson Harry Roque para malaman ang update sa pagpapabuti ng serbisyo ng telco matapos maipasa ang Bayanihan Act 2 at ang Arta Joint Memorandum Circular.

Ayon kay Globe president at chief executive officer Ernest Cu, malaking hakbang na ang nagawa ng kumpanya sa pagsaayos ng kanilang network at internet services.

Sinabi ni Cu na nakakuha ang Globe ng 1,857 permits para makapagtayo ng 1,050 bagong towers at dagdag na 250 towers noong 2020.

Nakapagsagawa rin ang Globe ng 10,876 site upgrades patungong 4G/LTE.

Sa katapusan ng taon, plano ng Globe na maglatag pa ng 600,000 broadband lines na makapagsasaayos ng kuneksyon sa mga tahanan.

“These expansion efforts have resulted in improvements in calls texts and data services of our customers in 1,098 cities and municipalities in 80 provinces all over the country. Our 5G technology will soon cover 80 percent of NCR by 2020,” paliwanag ni Cu.

Kinilala rin ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang mga hakbang ng telco industry para sa mas maayos na serbisyo.

Ayon kay Cordoba, base sa November 2020 report ng Ookla – independent analytics company, ang average download speed sa bansa ay nasa 28.69Mbps para sa fixed broadband at 18.49Mbps sa mobile.

Iniulat din ng NTC ang 590 porsyentong pagtaas sa nakuhang mga permit ng Globe simula noong Hulyo.

Tiniyak ni Cordoba sa publiko na patuloy ang pagpapabuti sa serbisyo ng network sa bansa at sa unang quarter ng 2021 ay mararamdaman na ito ng kanilang customers.

Sinabi ni Cordoba na kailangang pondohan ng national government ang ICT infrastructure sa bansa para mas mapabilis ang service improvements.

Sa maraming bansa sa Asya, gumagastos ng bilyun-bilyong dolyar para sa kanilang ICT infrastructure.

Ang telcos pa aniya ang rumerenta sa gobyerno hindi gaya sa Pilipinas na ang lahat ng telco infrastructure ay pribadong pag-aari.

Ayon kay Cordoba, sa mga bansang may mataas na internet speed, malaking pondo ang inilaan ng kanilang gobyerno para sa imprastraktura.

Halimbawa na lamang, ayon kay Cordoba, ang South Korea na gumastos ng $24 billion, Vietnam – $820 million, Thailand – $343 million at China – $289 billion, na lahat ay government-funded.

Sa kaniyang briefing, hiniling ni Roque sa mga telco industry na magbigay ng world-class services sa mamamayan.

Sa naturang briefing, tiniyak naman ng Globe na layunin nilang maibigay ang #FirstWorldNetwork sa publiko.

Suportado rin ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 9 na nagsasaad ng gampanin ng infrastructure para sa paglago ng ekonomiya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.