BI, nagpaalala sa mga dayuhan na matatapos ang annual report sa Marso
Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga rehistradong dayuhan para sa kanilang 2021 annual report.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, hanggang March 1, 2021 na lamang ito at hindi na palalawigin.
Paliwanag nito, nire-require ng Alien Registration Act of 1950 ang lahat ng dayuhan na may immigrant at non-immigrant visas na mag-report sa ahensya sa unang 60 araw kada taon.
Ani Morente, sinumang hkndi makasunod dito ay maaaring pagmultahin, visa cancelation, deportation o pagkakakulong.
Inabisuhan nito ang mga dayuhan na hindi pa nakakapag-report na mag-register sa online appointment system ng ahensya:
https://e-services.immigration.gov.ph
800 slots para sa annual report aniya ang naka-reserve kada araw.
Ayon naman kay Atty. Jose Carlitos Licas, pinuno ng BI alien registration division, maaari pa ring mag-report ang mga dayuhan na wala sa bansa sa loob ng 60-day period.
Kailangan aniyang mag-report ng dayuhan sa loob ng 30 araw pagkadating sa Pilipinas.
Maliban sa BI main office sa Inttamuros, Maynila maaari aniyang mag-report sa BI field, satellite o extension office.
Sa pagtatapos ng Enero, nasa 77,303 dayuhan aniya ang nakapag-report sa ahensya. 10 porsyento itong mas mababa kumpara sa 86,683 na nag-comply noong 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.