Survey result noong Holy Week hindi totoo ayon sa Pulse Asia
Nilinaw ng Pulse Asia Reasearch Inc. na walang silang ginawang survey sa pagitan ng March 21 hanggang 25.
Sa inilabas nilang media advisory, ipinaliwanag ng survey firm na wala silang ginawang survey noong nakalipas na Holy Week taliwas sa resultang ipinagmamalaki ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Noong weekend ay kumalat sa social media ang umano’y pangunguna ni Duterte na sinundan ni Sen. Grace Poe, Mar, Roxas, VP Jejomar Binay at Sen. Mirriam Defensor- Santiago.
Sa kanilang paglilinaw ay sinabi ng Pulse Asia na ang kanilang huling ginawang survey ay noong March 15-20 sa pamamagitan ng ABS-CBN commissioned survey.
Sa survey na iyun ay nanguna si Sen. Grace Poe na mayroong 28 percent, statistically tied naman sina Mayor Rodrigo Duterte na mayroong 24 percent at VP Jejomar Binay na nakakuha ng 23 percent.
Nasa ika-apat na pwesto si Mar Roxas na mayroong 19 percent samantalang 2 percent naman ang kay Sen. Mirriam Defensor-Santiago.
Sinabi ng Pulse Asia na para dapat dumiretso sa kanilang website ang publiko para hindi malito sa mga lumalabas na resulta ng survey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.