Schedule ng LEPT, inilipat sa Sept. 2021

Inilipat ng Professional Regulation Commission (PRC) ang schedule ng Licensure Examination for Professional Teacher o LEPT sa September 26, 2021.

Unang itinakda ang schedule ng LEPT sa March 28, 2021.

Alinsunod ito sa Resolution No. 1256, (s.2020), kung saan ikinokonsidera ang LEPT bilang isang large-scale licensure examination na hindi dapat isagawa sa gitna ng pandemya.

Sakaling mayroong katanungan, inabisuhan naman ang mga kukuha ng naturang eksminasyon na makipag-ugnayan sa PRC sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa Licensure Division sa: licensure.division@prc.gov.ph at licensure.office@prc.gov.ph.

Read more...