Inilipat ng Professional Regulation Commission (PRC) ang schedule ng Licensure Examination for Professional Teacher o LEPT sa September 26, 2021.
Unang itinakda ang schedule ng LEPT sa March 28, 2021.
Alinsunod ito sa Resolution No. 1256, (s.2020), kung saan ikinokonsidera ang LEPT bilang isang large-scale licensure examination na hindi dapat isagawa sa gitna ng pandemya.
Sakaling mayroong katanungan, inabisuhan naman ang mga kukuha ng naturang eksminasyon na makipag-ugnayan sa PRC sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa Licensure Division sa: [email protected] at [email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.