Namataang LPA, wala pang epekto sa anumang bahagi ng bansa – PAGASA
Mayroong tatlong weather system sa bansa, ayon sa PAGASA.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Joey Figuracion na huling namataan ang LPA sa layong 990 kilometers Silangan ng Mindanao region bandang 3:00 ng hapon.
Wala pang direktang epekto ang LPA sa anumang bahagi ng bansa.
Mababa ang tsansa na lumakas ang LPA at maging bagyo.
Maliban dito, mababa rin aniya ang posibilidad na lumapit pa ang LPA sa kalupaan ng Mindanao.
Aniya, bahagyang humina ang Northeast Monsoon o Amihan at nakakaapekto na lamang sa Northern Luzon.
Bunsod nito, asahan pa rin aniya ang malamig na panahon sa Huwebes ng madaling-araw, February 11.
Tail-end of a Frontal System naman ang nakakaapekto sa Silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.