Panukala upang bilisan ang proseso ng pagbili ng COVID-19 vaccines, itinutulak ni Speaker Velasco

By Erwin Aguilon February 10, 2021 - 06:31 PM

Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala upang mapabilis ang pagbili at pagturok sa COVID-19 vaccines.

Base sa House Bill 8648 o Emergency Vaccine Procurement Act of 2021 na inihain ni House Speaker Lord Allan Velasco, nais nito na madaliin ang purchase at administration ng COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng pagbibigay ng karapatan sa LGUs na direktang bilhin ang mga bakuna mula sa manufacturers na hindi na kinakailangan pang dumaan sa mahabang proseso ng public bidding.

Binibigyan ng panukala ng exemption ang LGUs sa pagsunod sa procurement requirements sa ilalim ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act upang kaagad makakabili ng bakuna at iba pang kinakailangang suplay ang mga lokal na pamahalaan.

Sa ilalim pa ng panukala, pinapayagan ang mga probinsya, siyudad at munisipalidad na mag-advance payment na hindi hihigit sa 50 porsyento ng kontrata para sa procurement ng gamot at bakuna laban sa COVID-19.

Matapos ang advance payment ay dapat ma-i-deliver sa loob ng anim na buwan ng foreign manufacturers ang mga bakuna sa LGUs.

Naniniwala si Velasco na ang tugon para sa epektibong paglaban sa COVID-19 at sa pagbangon muli ng ekonomiya ay ang mabilis na pagbili at pagpapatupad ng vaccination program.

Dagdag pa nito, mahalaga ang bawat oras kaya sa bawat araw na nade-delay ang bakuna ay mas napapagastos at mas malaki ang nawawala sa gobyerno at sa bansa.

Suportado naman nina Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Joseph Stephen Paduano ang panukala.

TAGS: 18th congress, COVID-19 response, Emergency Vaccine Procurement Act of 2021, House Bill 8648, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco, 18th congress, COVID-19 response, Emergency Vaccine Procurement Act of 2021, House Bill 8648, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.