Pamahalaan, dapat magtayo ng Centralized Database at Monitoring System may kaugnayan sa COVID-19 vaccine program
Pinagtatatag ni House Speaker Lord Allan Velasco ang National Task Force Against COVID-19 ng isang centralized database at monitoring system kasabay nang ginagawang paghahanda para sa rollout ng COVID-19 vaccines sa taong 2021.
Sinabi ni Velasco na kailangan na magkaroon ng centralized database at monitoring system upang maiwasan ang pagkakadoble ng mga datos at iba pang problema sa logistics.
Hinimok din nito ang task force na magpatupad ng “passport” system na siyang magsisilbing katibayan ng mga Pilipino na sila ay nabakunahan na kontra COVID-19 vaccines.
Ginawa ito ni Velasco sa kanilang pulong nina Health Sec. Francisco Duque III at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Nakipagpulong ang dalawang kalihim sa mga lider ng Kamara para talakayin at alamin kung sa anong paraan pa makakatulong ang Kongreso sa Ehekutibo pagdating sa vaccine rollout sa 2021.
Sa kanilang pulong, kasama ang iba pang opisyal ng Kamara, inilatag nina Duque at Galvez ang kanilang planong mga simulation ng vaccine rollout, pati na rin ang paghahandang ginagawa sa local level.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.