Sa kanyang March 30 ruling, sinabi ni Olongapo City Reginal Trial Court Branch 30 Judge Roline Jinez-Jabalde na masusi niyang pinag-aralan ang ilang maituturing na mitigating circumstances sa kaso kung bakit napatay ni Pemberton ang transgender na si Jennifer Laude.
Kabilang umano dito ang tinatawag na “passion and obfuscation” o Labis na pagnanasa at panlilinlang na naganap nang magkasundo ang dalawa na magtalik sa isang motel sa Olongapo City.
Sinabi ng Hukom na naakit nang husto ni Pemberton kay Laude nang makita niya itong naka-suot ng school uniform at sa pag-aakalang tunay itong babae at pumayag siya sa alok na sexual service ng nasabing biktima.
Pero ang pagnanasang iyun ay napalitan nang matinding galit nang mabisto ni Pemberton na hindi naman pala tunay na babae ang kanyang katalik sa silid.
Sinabi pa ni Judge Jinez-Jabalde na marami nang maituturing na jurisprudence sa kahalintulad na mga pangyayari kung saan nakasaad mismo sa Article 13 ng ating Revised Penal Code na itinuturing na mitigating circumstances ang “passion and obfuscation”.
Si Pemberton ay kasalukuyang nakakulong sa U.S facilities sa loob ng Camp Aguinaldo.