Parusa kay Pemberton mas pinababa

By Den Macaranas April 04, 2016 - 04:26 PM

pemberton-mugshot-4-1Mula sa dating labing-dalawang taong pagkakakulong ay ibinaba sa 10-years imprisonment ang parusang ipinataw kay U.S marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Sa kanyang March 30 ruling, sinabi ni Olongapo City Reginal Trial Court Branch 30 Judge Roline Jinez-Jabalde na masusi niyang pinag-aralan ang ilang maituturing na mitigating circumstances sa kaso kung bakit napatay ni Pemberton ang transgender na si Jennifer Laude.

Kabilang umano dito ang tinatawag na “passion and obfuscation” o Labis na pagnanasa at panlilinlang na naganap nang magkasundo ang dalawa na magtalik sa isang motel sa Olongapo City.

Sinabi ng Hukom na naakit nang husto ni Pemberton kay Laude nang makita niya itong naka-suot ng school uniform at sa pag-aakalang tunay itong babae at pumayag siya sa alok na sexual service ng nasabing biktima.

Pero ang pagnanasang iyun ay napalitan nang matinding galit nang mabisto ni Pemberton na hindi naman pala tunay na babae ang kanyang katalik sa silid.

Sinabi pa ni Judge Jinez-Jabalde na marami nang maituturing na jurisprudence sa kahalintulad na mga pangyayari kung saan nakasaad mismo sa Article 13 ng ating Revised Penal Code na itinuturing na mitigating circumstances ang “passion and obfuscation”.

Si Pemberton ay kasalukuyang nakakulong sa U.S facilities sa loob ng Camp Aguinaldo.

TAGS: laude, olongapo city rtc, Pemberto, U.S, laude, olongapo city rtc, Pemberto, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.