Siyam na bagong signal lights, naikabit sa MRT-3 North Avenue station
May naikabit na siyam na bagong signal lights sa North Avenue station ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, bahagi ito ng malawakang rehabilitasyon ng linya.
Ang naturang ilaw ay LED-enabled kung kaya mas maliwanag ito kumpara sa nakaraang gamit.
Ginagamit ito upang makapagbigay ng hudyat sa train drivers kung kailangang huminto o umandar ng mga tren.
Noong 2020, nakapagkabit na rin ang bagong signal lights sa Ortigas station, lima sa Shaw Boulevard station, habang dalawa naman sa Guadalupe station.
Katuwang pa rin ng pamunuan ng MRT-3 sa rehabilitasyon ang maintenance provider nito na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industriesula sa Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.