DOTC at MIAA officials pinagpaliwanag ni PNoy sa NAIA power outage

By Den Macaranas April 04, 2016 - 04:22 PM

Naia-terminal-3-brownout  ‪@sheenapedrieta THROUGH MIGUEL CAMUS
Inquirer file photo

Personal na hiningan ng paliwanag ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay sa naganap na power outage sa NAIA Terminal 3.

Kabilang sa mga ipinatawag sa meeting na ginanap sa President’s Hall sa Malacañang si DOTC Sec. Jun Abaya.

Magugunitang aabot sa halos ay 80 flights ang nakansela samantalang maraming iba pa ang delayed dahil sa naganap na limang oras na blackout sa paliparan mula Sabado ng gabi hanggang madaling-araw ng Linggo.

Sa paunang imbestigasyon, sinabi ng Meralco na ilang segundong tripped lamang ang dinanas ng kanilang linya na kung tutuusin ay hindi makaka-apekto sa kanilang mga consumers tulad ng nangyari sa ibang mga establishimento sa paligid ng NAIA Terminal 3.

Tanging ang naturang paliparan lamang ang hindi na nakabalik sa grid ayon sa Meralco.

Sa panayam, sinabi ni Abaya na isa sa sampung mga generator sets ng paliparan ang hindi gumana kaya kinapos ng supply ng kuryente ang buong sistema nan aka-apekto sa halos ay 15,000 mga pasahero.

Bukod sa malaki ang nawala sa kita ng paliparan ay tumanggap din ng maraming reklamo ang ilang mga pasahero na umano’y nabiktima ng mga magnanakaw habang walang supply ng kuryente sa buong paliparan.

Tumanggi naman ang mga tagapagsalita ng Pangulo na idetalye ang mga naging pag-uusap sa ipinatawag na pulong.

TAGS: Aquino, jun abaya, Malacañang, naia terminal 3, power outage, Aquino, jun abaya, Malacañang, naia terminal 3, power outage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.