Nagsagawa ng operasyon ang I-ACT sa Sta. Mesa, Maynila.
Ilang mga jeepney drayber ang nasampulan matapos magsakay ng pasahero na walang face shield.
Ayon kay Seaman Second Class Kennedy Naranjoso, overloading ang ibang jeep, magkakadikit na ang mga pasahero at hindi na nasusunod ang social distancing.
Ang ibang drayber naman ay nahuli dahil sa pudpod ang gulong.
Nahuli rin ng I-ACT ang isang van ng DPWH dahil sa umano’y illegal transport ng mga pasahero.
Pero katwiran ng drayber na si Joevic Laderas, sinundo niya lamang ang mga engineer dahil may meeting ang DPWH Central Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.