Pag-aalok at pagbebenta ng COVID-19 vaccines, bawal! – NTF, DOH
Ipinaalala ng National Task Force against COVID 19, Department of Health at Food and Drug Administration (FDA) na ipinagbabawal at maaring makasuhan ang sinoman mag-aalok at magbebenta ng bakuna laban sa coronavirus.
Ginawa ng mga ahensiya ang babala base sa mga ulat na my ilang indibiduwal at institusyon ang nagbebenta ng COVID 19 vaccines na anila ay nabigyan na ng Emergency Use Authorization (EUA).
Base sa inilabas na abiso ng tatlong ahensiya, nilinaw na ang pagkakaroon ng EUA ng anuman bakuna ay hindi nangangahulugan na rehistrado na ito at nabigyan na ng market authorization kaya hindi dapat inaalok o ipinagbibili.
“Further, the tripartite agreements with private sector partners only authorize them to provide vaccines in accordance with the existing COVID-19 vaccination prioritization framework, therefore the public is cautioned against anyone who claims to sell or offer any COVID-19 vaccine,” ayon pa sa abiso.
Dagdag paalala din ng DOH, NTF at FDA na ang kaligtasan at kalidad ng mga bakuna na ilegal na nabili ay hindi garantisado dahil maaring peke ang mga ito kayat maaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan, kasama na ang kamatayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.