Malakanyang makikipag-ugnayan sa DOH  kaugnay sa hindi nabayarang allowance ng mga health workers

Aalamin ni Presidential Spokesman Harry Roque ang ulat na naantala na naman ang allowance ng mga health worker sa bansa.

Ayon kay Roque, makikipag-ugnayan siya sa finance unit ng Department of Health kung naibigay na ang kompensasyon sa mga health workers na ngayon ay nakikipagsapalaran sa Covid 19.

Kung matatandaan, sinabi ni Roque na nagalit na mismo si Pangulong Rodrigo Duterte nang malaman na hindi nababayaran ng maayos ang mga health workers.

Una nang naiulat na nagrereklamo ang mga health workers mula sa tatlong government hospitals na hindi sila nababayaran sa mga allowance.

Read more...