Iba’t ibang bahagi ng bansa uulanin ngayong araw – PAGASA

Makararanas ng mga pag-ulan ang iba’t-ibang bahagi ng bansa ngayong araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, tail-end ng frontal system ang naka-a-apekto sa eastern section ng Central at Southern Luzon.

Ang Northeast Monsoon naman o Amihan ang naka-a-apekto sa Northern Luzon.

Ang Visayas, Bocol Region, Caraga, Northern Mindanao, Calabarzon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Aurora ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulong at pagkidlat dulot ng tail-end ng frontal system.

Magiging maulap naman at may kasamang pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon dulot ng hanging Amihan.

Bahagya maulap hanggang sa maulap ang papawirin na may isolated rains sa Ilocos Region dahil pa rin sa Amihan.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng bahagyang kaulapan hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.

Ang araw ay sumikat 6:22 ng umaga at inaasahang lulubog 5:59 ng hapon.

 

 

 

Read more...