58,000 unang matuturukan ng first 117,000 doses ng anti-COVID 19 vaccines, sabi ni Health Sec. Duque

Ang parating na paunang 117,000 doses ng anti-coronavirus vaccines ngayon buwan ay maituturok sa 58,500 indibiduwal.

“There is already a plan for the 117,000 vaccines. That is for 58,500 individuals. We already have the list of the thousands of healthcare workers for Philippine General Hospital, Lung Center, Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, Southern Philippines Medical Center, and Vicente Sotto Memorial Medical Center,” sabi ni Duque matapos ang National Simulation Exercise sa pagdating ng mga bakuna sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City.

Aniya ang kalahati ng bakuna ay itatago para iturok bilang second dose makalipas ang tatlong linggo.

Mga medical and health frontliners ang mga unang tuturukan ng bakuna.

Nabatid na may plano din na ang mga bumubuo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay kabilang din sa mga unang babakunahan para mabuo ang tiwala ng mamamayan.

“That is the objective, that the IATF members will be inoculated along with those in the priority lists,” sabi ni Duque at aniya, “once the people see that IATF members are getting vaccinated, we believe that public confidence will surge.”

Read more...