Ilegal na pag-aampon idinadaan lang sa Facebook, pinuna ni Sen. Imee Marcos
Nanawagan si Senator Imee Marcos sa gobyerno na bigyan pansin ang nangyayaring ilegal na pag-aampon ng mga sanggol sa pamamagitan ng Facebook.
Diin nito, ang naturang pamamaraan ay isang uri ng human trafficking.
Sinabi ni Marcos na dapat ay ipatiyak ng gobyerno sa Facebook na hindi ito papayag magamit ang kanilang platform sa ilegal na aktibidad sa pamamagitan nang pag-ban sa illegal adoption pages o accounts.
Dapat din aniya kumilos ang Bureau of Immigration at pagtibayin ang border controls lalo na kung ang pagbiyahe ay may sangkot na bata, kahit anuman ang edad.
‘’Who knows if these children up for adoption won’t fall into the hands of pedophiles?’’ tanong ng senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.