Klase ng Covid 19 vaccine na ituturok kay Pangulong Duterte, nasa pagpapasya ng mga doktor
Nasa pagpapasya ng mga doktor ni Pangulong Rodrigo Duterte kung anong klaseng bakuna kontra Covid 19 ang maaring iturok sa punong ehekutibo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang mga doktor kasi ang higit na nakaaalam sa naturang usapin.
“Let’s just say this issue will have to be discussed by the President with his physicians. He is, of course, under advice from his physician,” pahayag ni Roque.
Una rito, sinabi ng Pangulo na nakahanda siyang magpaturok ng bakuna na gawang China o Russia.
Pero sa ngayon, inaasahang mauuang dumating sa bansa ang bakunang gawa ng Pfizer ng Amerika at ng British company na AstraZeneca.
“Well, within the framework to be given by the Food and Drug Administration (FDA). Kasi hindi ko pa alam kung ano ang magiging desisyon talaga ng FDA kung hanggang anong edad ibigay at anong klaseng bakuna. But as I said, he is under advice from his physician right now,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.