Sen. Drilon sa Comelec: Palawigin ang voter’s registration program, bumili ng dagdag biometric scanners

By Jan Escosio February 09, 2021 - 11:48 AM

Hinikayat ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang Comelec na palawakin ang satellite voter’s registration program at bumili ng mga karagdagang biometric scanners para  mapabilis ang pagpapa-rehistro ng mga botante.

“The Congress has allocated sufficient funds to the Comelec under the 2020 and 2021 national budgets. Let us use it to buy more biometric gadgets, hire more consultants or job order employees and even rent out a bigger space or venue of voter registration,” sabi ni Drilon.

Aniya hindi kailangan na tipirin ang budget at kung kinakailangan ay dalhin sa mga barangay ang pagpapa-rehistro ng mga botante.

Dagdag pa nito, dahil sa pandemya sa Covid 19, nalimitahan din ang bilang ng mga nais magpa-rehistro na umaabot lang, ayon sa Comelec sa 50 – 70 katao kada araw.

At base sa datos ng Comelec may tatlong milyong bagong botante ang kinailangan magpa-rehistro bukod pa sa pitong milyon na kailangan lang ng renewal dahil hindi nakaboto nitong huling dalawang eleksyon.

Nakakadagdag din aniya ang limitadong bilang ng biometric scanners kaya’t apektado ang bilang ng mga maaring magparehistro para bumoto.

TAGS: boto, comelec, COVID-19, eleksyon, Franklin Drilon, rehistro, boto, comelec, COVID-19, eleksyon, Franklin Drilon, rehistro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.