Parlade nag-sorry sa reporter ng INQUIRER.net

Humingi na ng sorry si Army Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. matapos sabihing propagandista ng mga terorista ang reporter ng INQUIRER.net na si Tetch Torres-Tupas.

Sa panayam ng ABS-CBN News Channel, sinabi ni Parlade na tumatayong executive director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC),  na nakahanda siyang makipagpulong kay Torres-Tupas.

Ikinagalit ni Parlade ang isinulat na balita ni Torres-Tupas ukol sa petisyon na nakahain sa Supreme Court kaugnay sa Anti Terror Law.

Nagbanta pa sa Facebook post si Parlade na gagamitin niya ang Anti-Terrorism Act laban kay Torres-Tupas.

“Gusto nila mag-apologize ako. As a person, nagalit din ako at offended ako doon sa report nila, I will not. But as a member of NTF-ELCAC, I could probably apologize if nadadawit ko yung NTF-ELCAC,” pahayag ni Parlade.

“But really, kung ‘yun lang naman ang kailangan just to assure Ms. Tupas that we mean no harm to her, of course, I’d like to say sorry to those circulating the news that I am threatening her, I’m not,” pahayag ni Parlade.

Sinabi pa ni Parlade na personal post lamang niya ang nakalagay sa Facebook.

“Kasi ang lumalabas, parang natatakot na si Tetch for my statements. That’s also because of the way the media portrays this issue, but personally, wala akong intention kay Tetch na ganyan ang maramdaman niya. I made that post on my personal wall in Facebook so NTF-ELCAC has nothing to do with that comment. It’s based on citizen Parlade’s response to that careless report of this Inquirer reporter,” pahayag ni Parlade.

Ayon kay Parlade, wala naman siyang balak na kasuhan si Torres-Tupas.

“I’m speaking there as a citizen. I also have my rights to react to these false accusations of our media friends. They’re friends as far as I’m concerned, they’re real friends. At this time, I think sila ‘yung nag-overstep,” pahayag ni Parlade.

 

Read more...