Duterte sa CPP: Huwag galawin ang Covid 19 vaccine
Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines na huwag galawin ang mga bakuna kontra Covid 19 oras na ipamahagi na ito sa iba’t-ibang probinsya.
Ayon sa Pangulo, dapat na sumunod ang CPP sa “rules of humanity.”
“I am appealing to the Communist Party of the Philippines, ‘yung pinaka-umbrella. I don’t consider ‘yung mga NDF-NDF pati NPA. Iyong the Communist Party of the Philippines must guarantee that the vaccines in the course of their being con — being transported to areas where [there] are no city health officers or medical persons na huwag ninyong galawin ang medisina,” pahayag ng Pangulo.
Hindi aniya dapat na masayang ang mga bakuna alo’t pera ng mga Filipino ang ginamit na pambili.
“Allow the vaccines to be transported freely and safely. I am asking you now to observe that rule because that is for the Filipino people. As I have said, the money belongs to the Filipino people. It credits — the credit goes to no one. Sa inyo ito mga taong Pilipino, pera ninyo ito,”pahayag ng Pangulo.
Pinangangambahan ng Pangulo na maulit ang ginawa ng rebeldeng grupo kung saan tinangay ang per ana ipamamahagi sana sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
“So natural lang na kayong mga members ng Communist Party of the Philippines and the allied, NPA, NDF or whatever, kindly observe the rules of humanity. Hindi naman kailangan natin ano ‘yan eh. Baka maulit kagaya itong ‘yung mga pera, ‘yung mga Pantawid na pag-deliver ini-intercept ninyo,”pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.