Sa magkasunod na araw, nagpahayag ng kanyang panawagan si Pope Francis para sa Myanmar.
Hiniling ng Santo Papa ang pagpapalaya sa lahat ng mga inaresto at ikinulong na lider ng bansa kasama na si Aung San Suu Kyi ng Myanmar.
Ang mensahe ay inihayag ni Pope Francis sa kanyang pakikipagharap sa mga ambassadors to the Holy See.
“In these days, my thoughts turn particularly to the people of Myanmar, to whom I express my affection and closeness,” sabi ng Santo Papa, na bumisita sa Myanmar noong 2017 at dagdag pa niya, “The path to democracy undertaken in recent years was brusquely interrupted by last week’s coup d’etat.
Aniya umaasa siya na sa pagpapalaya ng mga inarestong lider ay magkakaroon na ng sinserong diyalogo ang dalawang panig para na rin sa kapakanan ng mga mamamayan.
Libo-libong mamamayan ng Myanmar ang nagsagawa ng kilos protesta para kondenahin ang kudeta na ikinasa ng militar at pag-aresto kay Aung Sun at iba pang miyembro ng National League for Democracy.