‘Checkpoints’ nakadadagdag sa problema sa biyahe ng mga pagkain, ayon kay Sen. Ralph Recto

By Jan Escosio February 09, 2021 - 09:03 AM

Hinimok ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na makipag-usap sa mga negosyante at magsasaka para plantsahin ang mga isyu sa pagbiyahe ng mga pagkain.

Sinabi ni Recto ang mga isyu sa kalsada ay nakakadagdag pa sa presyo ng mga produktong-agrikultural.

Puna nito na may mga checkpoints ng ibat-ibang ahensiya na hindi naman kinakailangan at nagsisilbi pang balakid sa biyahe.

“Ang mga biyahero, kailangang dumaan sa maraming flying and fixed checkpoints along the countryside-to-city food routes. And sadly, many of these have become mulcting stations by people who treat these food trucks as a buffet on wheels,” diin ng senador.

Aminado naman si Recto na may mga checkpoint na talagang kinakailangan para sa pagtitiyak na ligtas ang mga pagkain, tulad sa pagbiyahe ng mga baboy na maaring taglay ang African Swine Flu.

“Pero ‘yung iba na pinapara ang jeep ng mag-gugulay para tingnan kung madumi ang tambutso nito, ‘yan ay hindi kailangan sa panahon ng pandemya,” aniya patukoy sa “Clean Air Act” checkpoints ng Department of Environment and Natural resources (DENR) at mga local government units (LGU).

Nagpahiwatig din si Recto ng diskuwento sa toll sa expressways sa mga biyaheros ng mga produktong-agrikultural.

 

TAGS: African Swine Fever, baboy, checkpoint, ralph recto, African Swine Fever, baboy, checkpoint, ralph recto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.