Rep. Eric Yap makikipagpulong sa DBM at DOF para sa Bayanihan 3

By Erwin Aguilon February 09, 2021 - 08:20 AM
Makikipagpulong si House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap sa Department of Budget and Management at Department of Finance kaugnay sa panukalang Bayanihan 3. Ito ayon kay Yap ay para talakayin kung saan maaaring kunin ang pondo para sa isinusulong na P420 billion  Bayanihan 3, na iniakda nina House Speaker Lord Allan Velasco at Marikina Rep. Stella Quimbo. Sa House Bill 8628 o Bayanihan to Arise As One Act o Bayanihan 3, maglalaan ng karagdagang budget para sa pagbangon ng ekonomiya mula sa naging epekto ng pandemyang dala ng COVID-19. Ang Bayanihan 3 aniya ay tiyak na makasu-suporta upang makamit ang economic recovery. Batid naman aniya ng lahat na hanggang ngayon ay nahaharap pa rin ang bansa sa mga negatibong epekto ng COVID-19 pandemic at sa pamamagitan ng Bayanihan 3 ay makakabangon ang bansa ng mas mabilis at mas marami ang mabibigyan ng ayuda. Nauna ng sinabi ni Presidential Spokesperson  Harry Roque na matamlay ang panukala sa Malakanyang dapat para sa kanila ay mayroon pang sapat na pondo para sa pag-ahon ng ekonomiya.

TAGS: Bayanihan 3, COVID-19, eric yap, Bayanihan 3, COVID-19, eric yap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.