Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, huling namataan ang LPA sa layong 175 kilometers Silangan ng Davao City dakong 3:00 ng hapon.
Inaasahan aniyang magdudulot ang trough o extension ng LPA ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa buong Visayas at Mindanao, MIMAROPA, Bicol region at southern part ng Quezon.
Makararanas pa rin aniya ng mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region (CAR) bunsod naman ng Northeast Monsoon o Amihan.
Sa natitirang bahagi ng Luzon, magiging maaliwalas ang panahon maliban na lamang sa ilang isolated light rains o thunderstorm.