Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi apektado ng nagdaang holiday season ang bilang ng kaso ng COVID-19.
Sa press briefing, sinabi ni Health undersecretary Maria Rosario Vergeire na base ito sa naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa buwan ng Enero.
Aniya, ang average number ng bagong kaso kada araw sa Enero ay nasa 1,800.
“Ngayong until the end of January bumaba pa nga ‘yung 1,800 natin na average to just 1,700 until this current period. So nakikita natin na hindi tayo masyadong naapektuhan,” pahayag nito.
Malaking tulong aniya rito ang pakikiisa ng publiko sa pagsunod sa health protocols at mga hakbang ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Gayunman, hindi aniya dapat maging kampante ang publiko dahil hindi pa tiyak ang sitwasyon.