Dating solvent boys, empleyado na ng Manila City Hall
Ipinagmalaki ni Manila Mayor Isko Moreno na ganap ng empleyado ng Manila City hall ang limang dating solvent boys.
Ito ay sina Richard Morio, Jonathan Arellano, Mico Padilla, at ang magkapatid na sina Gilbert Abaygar at JR Abaygar.
Ayon kay Mayor Isko, bukod sa pagiging solvent boys, binugbog ng magkapatid na Abaygar ang isang social worker.
Sangkot din ang lima sa pangha-harass sa mga motorista sa España Boulevard.
Ayon kay Mayor Isko, noong una, tumanggi ang lima na magpa-rescue sa social workers pero kalaunan ay pumayag din.
“Mabuti na lang at pumayag na kayo. Minsan kailangan n’yo lang pagkatiwalaan ‘yung tao sa pamahalaan. Wala akong ninais na mapasama kayo. Obligasyon ko lang sa taong bayan na siguraduhin na panatag ang buhay nila,” pahayag ni Mayor Isko.
Bilang bahagi ng rebailitasyon ng mga dating solvent boy, binigyan sila ng trabaho sa city hall.
Ipinakita rin ni Mayor Isko ang pagtanggap ng limang dating solvent boys ang una nilang sweldo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.