Sa isang panayam, sinabi ni Locsin na wala pa naman insidente sa pagpapatupad ng bagong batas.
“If there is an incident, I can assure you it will be more than just a protest,” aniya.
Una nang naghain ng diplomatic protest si Locsin laban sa bagong batas, na nagbibigay kapangyarihan sa Chinese Coast Guard na paputukan ang mga banyagang sasakyang-pandagat na mangingisda sa inaangkin nilang teritoryo.
Sa naturang batas, maari din wasakin ang anumang istraktura na itatayo ng mga kaagaw nilang bansa.
Iginigiit ng Pilipinas na ang mga inaangkin ng China ay bahagi pa ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Kasabay nito, tinanggihan ni Locsin ang suhestiyon na idulog sa United Nations ang bagong batas sa katuwiran na sapat na ang panalo ng Pilipinas sa International Arbitration Tribunal noong 2016.