Comelec magkakasa ng Internet Voting test, naghahanap ng volunteers sa mga registered overseas voter

COMELEC FB PHOTO

Naghahanap ang Comelec ng volunteers mula sa hanay ng registered overseas voters para sa ikakasang Internet Voting test.

Ayon sa Office for Overseas Voting ang test run ay para sa apat na internet voting solutions na isasagawa ng ibat-ibang election systems’ providers.

“Comelec OFOV is calling on registered overseas voters who have actibe and complete voter registration record to sign up. Their registration status must be active, which means that it must not have been deactivated for failure to vote in the two previous elections in 2016 and 2019,” ayon sa abiso ng ahensiya.

Kinakailangan din na kumpleto sa biometrics data, picture, fingerprints at pirma, ang magbo-volunteer.

Maaring isagawa ang voting test sa smartphone may Android o IOS apps, latop o personal computer.

Kinakailangan din na mag-email sa Comelec ng kanilang consent form ang volunteer, kalakip ang kop ng kanilang passport o seafarer’s book, alinsunod sa Data Privacy Act.

Read more...