Mga tuyong dahon puwedeng ipalit sa mga lumang palaspas para sa abo – Simbahan
Sinabi ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo maaring ipalit sa mga lumang palaspas ang mga tuyong dahon ng mga halaman at puno para sa paggawa ng abo.
Nakagawian na ang mga lumang palaspas na nabendisyunan sa nakalipas na Linggo ng Palaspas ang iniipon ng parokya para sunugin at ang maiipon na abo ang ipapahid naman sa paggunita ng Ash Wednesday.
Ang tradisyonal na pagpapahid ng abo sa noo ng Katoliko ang simula ng panahon ng Kuwaresma sa bansa at ngayon taon ito ay gugunitan ito sa darating na Pebrero 17.
Paalala sa pagsisi at pagtalikod sa mga kasalanan ang pagpapahid ng abo sa noo.
Batid ni Bishop Pabillo na may may parokya na nahihirapan na makaipon ng mga palaspas dahil sa pandemyang dala ng COVID 19 noon pang nakaraan taon.
Samantala ganito rin ang tagubilin ni Baguio Bishop Victor Bendico sa mga nasasakupang parokya para sa paggunita ng Ash Wednesday ngayon taon.
Noong nakaraang taon, ang abo ay hindi ipinahid sa noon kundi ibinudbod na lamang sa ulo ng mananampalataya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.