Pekeng COVID 19 vaccines ituturok sa mga smuggler babala ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio February 08, 2021 - 08:24 AM

Hinikayat ni Senator Christopher Go ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na imbestigahan at tugisin ang pagtatangka na magpasok ng mga pekeng bakuna kontra coronavirus.

Kasabay nito, tiniyak ng senador na bibigyan proteksyon ng gobyerno ang mamamayan at tanging mga mabisa at ligtas na bakuna lang ang makakapasok ng Pilipinas.

“Ako po ay nananawagan sa ating Food and Drug Administration na imbestigahan po ito. Hulihin po ito. Ang Bureau of Customs, bantayan n’yo pong mabuti. Ang ating kapulisan, ang NBI bantayan n’yong maigi. Hulihin po itong nagpapakalat ng fake vaccines na ito,” sabi nito.

Babala pa ni Go unang ituturok ang mga pekeng bakuna sa mga nagpasok ng mga ito sa bansa.

Una nang inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na bantayan at pigilan ang pagpasok sa bansa ng mga pekeng  bakuna.

Sa China, ilang katao ang hinuli matapos makumpiskahan ng mga libo-libong anti-COVID 19 vaccines, na kanilang ibinebenta sa kanilang mga kababayan maging sa ibang bansa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.