Panukala upang gawing madali ang pagkuha ng passport kailangan na

By Erwin Aguilon February 07, 2021 - 03:15 PM

Napapanahon na para kay Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pag-amyenda sa Philippine Passport Act of 1996.

Ayon kay Rodriguez kapag naging batas ang kanyang inakdang House Bill No. 8513 o ang New Passport Law mas magiging madali ang pagkuha ng passport.

Nakasaad anya sa 1987 Constitution na “inviolable” o hindi maaring labagin ang ‘right to travel’ ng isang Filipino.

“Accordingly, the government has the duty to issue a passport or a travel document to any citizen of the Philippines or individual who complies with requirements prescribed by law,” saad ni Rodriquez.

Maari lamang anyang hadlangan ang ‘right to travel’ ng isang indibidwal kung masasakrispisyo ang national security, public safety at public health.

Giit nito, upang mapag-ibayo ang proteksyon sa mga mamamayan sa karapatan upang makabyahe dapat ay ‘minimum requirements’ lamang sa pag-a-apply nito ang kailangan.

Layunin anya ng panukala na makasabay din ang 24 na taong gulang ng batas sa mga bagong batas ng bansa  na nakaka apekto sa pagkuha ng passport.

Ang mga ito ay ang Domestic Adoption Act of 1998, Citizenship and Reacquisition Act of 2003 at ang Philippine Identification System Act.

Nakasaad sa panukala ang mga minimum requirements sa pagkuha ng passport, grounds at proseso ng denial, revocation at appeal.

Sa ilalim nito palalawigin ang bisa ng regular passport ng sampung taon habang limang taon naman ang para sa 18 taong gulang pababa.

Maari din sa ilalim ng panukala na mabigyan ng travel papers ang mga wala pang pasaporte o nawala ang mga ito tulad ng Emergency Travel Document, Travel Document Certificate at Convention Travel Document.

Bibigyan naman ng 50 porsyentong diskwento sa pagkuha pasaporte ang mga senior citizen pero kapag umabot na sa edad 65 pataas hindi na ang mga ito kailangang pumila pa upang makapag-asikaso ng kanilang mga travel documents.

Ang nasabing panukala ay lumusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara noong nakalipas na lingo.

 

TAGS: passport, passport law, Rep. Rufus Rodriquez, right to travel, passport, passport law, Rep. Rufus Rodriquez, right to travel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.