Pagbabakuna sa lahat ng mga medical frontliners kayang tapusin sa loob ng isang buwan – Sec. Roque

By Erwin Aguilon February 07, 2021 - 02:22 PM

Photo credit: Municipality of Bontoc/Facebook

Siniguro ng Malakanyang na unang makatatanggap ng  COVID-19 vaccine ang lahat ng medical frontliners na darating sa bansa ngayong buwan ng Pebrero.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque nasa 117,000 doses ng bakuna mula sa COVAX facility ang ituturok sa mga medical frontliners.

Ito anya ay base sa priority list ng pamahalaan.

50,000 medical frontliners anya ang makikinabang sa 117,000 doses ng bakuna kung saan ang tig-dalawang doses ang ibibigay sa kanila.

Susundan sabi ni Roque ito ng 5 million doses ng bakuna mula naman sa AstraZenica.

Dahil dito, hindi anya aabutin ng isang buwan at matatapos bakunahan ang lahat ng mga medical frontliners sa bansa.

Nauna ng sinabi ng Department of Health na makakakuha ang bansa ng bakuna para sa 20 porsyento ng populasyon mula sa COVAX facility at limang porsyento lamang ang kailangang bayaran ng pamahalaan.

TAGS: COVID-19 vaccines, medical frontliners, Sec. Harry Roque, COVID-19 vaccines, medical frontliners, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.