Voter registration tuwing Sabado simula na sa Feb. 20

By Erwin Aguilon February 07, 2021 - 11:32 AM

Bubuksan na ng Commission on Elections and voter registration kapag araw ng Sabado.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, magsisimula ito sa February 20 na mag-uumpisa 8am hanggang 5pm.

Dahil dito, wala ng dahilan ang mga hindi kayang magparehistro tuwing weekdays kapag nag-umpisa na silang tumanggap kahit araw ng Sabado.

“So wala na kayong excuses dyan mga bata, ‘yung magiging 18 years old sa May 9, 2022 or before May 9, magregister na kayo please. Kaya ginawa itong Saturday registration, para talaga sa inyo,” saad ni Guanzon.

Sarado naman anya sila kapag araw ng Lunes para sa disinfection kaya mayroong Martes hanggang Sabado ang publiko upang magpatala mula 8am hanggang 5pm.

Nauna ng sinabi ng Comelec na tinitingnan nila ang pagpapalawig ng oras para sa voter registration upang marami pa silang ma-accommodate.

Sa ngayon nasa isang milyong mga bagong botante pa lamang ang naitatala ng komisyon na malayo sa apat na milyon nilang target.

 

TAGS: 2022 elections, comelec, Commissioner Rowena Guanzon, voter registration, 2022 elections, comelec, Commissioner Rowena Guanzon, voter registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.