1,941na bagong kaso ng Covid 19 naitala sa Pilipinas

Photo credit: Municipality of Bontoc/Facebook

Aabot sa 1,941 na panibagong kaso ng Covid 19 ang naitala sa bansa.

Ayon sa Department of Health, dahil dito, nasa 535,521 na ang kabuuang kaso sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 35,946 o 6.7 percent ang ikinukunsiderang active cases.

Aabot sa 88.4 percent ang mild, 6.8 percent ang asymptomatic, 2.2 percent ang critical, 2.1 percent ang severe, at 0.48 percent ang moderate.

Aabot naman sa 234 ang nakarekober habang 52 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

Sa kabuuan, 11,110 ang nasawi habang 488,465 ang naka-rekober.

 

 

Read more...