Aabot sa 259 na barangay sa Maynila ang Covid 19 free na mula Disyembre 2020 hanggang Enero ngayong taon.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, makatanggap ang mga barangay na Covid 19 free ng tig P100,000 bilang insentibo.
Aabot sa 32 na barangay naman ang makatanggap ng P200,000 matapos dalawang beses na makapagtla ng Covid free mula noong Setyembre hanggang Oktubre 2020 at Disyembre 2020 hanggang Enero 2021.
“Nagpapasalamat tayo kasi malaking bagay yung pakikipagtulungan ng barangay at kaya naman pala, so it’s doable. When it is doable, it’s duplicable and I hope the other barangays will continue to do the same,” pahayag ni Mayor Isko.
Ayon kay Mayor Isko, malaking tulong ang insentibo para magpursige ang mga barangay na ma-contain ang pagkalat ng Covid 19.
“I am happy, but be that as it may, yung Maynila while inoopen namin ng inoopen yung mga bagay-bagay, we are still conservative in our policy, in our action. Mahigpit pa rin kami. May mga challenges, but these are part of what you call risk management,” pahayag ni Mayor Isko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.